Ni Francis Wakefield at Leandro Alborote

Limang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa Philippine Army sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao, at sa Tabuk, Kalinga.

Limang rebelde ang sumuko kay Lt. Col. Lauro Oliveros, commanding officer ng 1st Mechanized Infantry Battalion, sa Barangay Kamasi sa Ampatuan nitong Martes.

Kinilala ang mga rebel returnees na sina Sing O. Maquil, 30; Daniel T. Fonok, 25; Panni L Sina, 18; Marvin S. Ginang, 30; at Taan M. Ayunan, 30, pawang taga-Lake Sebu, South Cotabato at miyembro ng Samsung Guerrila Front 73.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Isinuko rin ng lima sa militar ang dalawang homemade Ingram at isang homemade Uzi.

Ayon sa lima, pagod na sila sa pagtatago at sa pagkagutom at hirap na pamumuhay sa kabundukan, bukod pa sa tutol sila sa anila’y pagpapakalat ng NPA ng kasinungalingan sa komunidad ng mga T’boli sa South Cotabato para isulong ang ideyolohiya ng kilusan.

Kahapon ng umaga naman sumuko sa 50th Infantry Battalion (50IB) ng 5th Infantry Division ang 22-anyos na NPA member na si Noel Omang, alyas “Incha”.

Batay sa ulat ni Northen Luzon Command (NolCom) commander Lt. General Emmanuel B. Salamat, boluntaryong sumuko sa militar si Omang kasama ang mga magulang na ito at si Andrew Cos-ogon, chairman ng Bgy. Bagumbayan, Tabuk.