Ni Annie Abad

PUSPUSANG paghahanda ang ilalaan ng Philippine Sport Commission ngayong taon sa mga Indigenous Games.

Ayon kay PSC Commissioner Charles Maxey, commissioner-in-charge ng programa, ang Indigenous Games ang binigyan ng pansin sa isinagawang Directional meeting ng PSC Board, sa pangunguna ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

“The law mandates us to nurture our culture. This is a perfect way to merge sports and culture,”pahayag ni Ramirez.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ginawang halimbawa ni Ramirez si dating athletics champion Mona Sulaiman, buhat Cotabato na nagbigay ng karangalan sa bansa noong kanyang kapanahunan , si Bana Sailani isang Badjao na nagwagi ng bronze sa tatlong Asian Games, ang Igorot na si Jason Balabal na siyang a Southeast Asian Games gold medalist kung saan ang mga nasabing atleta ay produkto ng iba’t ibang indigenous groups.

Unang masasaksihan ang unag event ng Indigenous Games’ sa 2018 edition sa Mindanao sa unang quarter ng taon, habang ang mga event sa Visayas at Luzon naman ay susunod sa paglawig ng taon.

Ayon kay Maxey ang naturang IG ay naglalayong ipakilala ang mayamang kultura ng mga katutubong Pilipino.

Nagsagawa ng unang programa hinggil dito sa Ifugao bilang bahagi ng gender equality program ng PSC sa ilalim ng pamumuno ng tanggapan ni Commissioner Celia Kiram.