Ni Danny J. Estacio

MULANAY, Quezon – Ibinuwis ng isang lola ang sarili niyang buhay para sa isang taong gulang niyang apo nang mabundol sila ng isang truck habang tumatawid sa Sitio Barraks sa Barangay Cambuga sa Mulanay, Quezon, nitong Martes.

Dead on arrival sa Bondoc Peninsula District Hospital si Clarita Caguimbal Camo, 63, biyuda, dahil sa matitinding pinsalang tinamo sa ulo at nabalian pa ng tuhod, batay sa pagsusuri sa kanya ni Dr. Max Geneblazo.

Bahagya namang nasugatan sa aksidente ang apo niyang si John Mark Humeres Caguimbal, habang naaresto ng mga pulis si Danilo C. Rocha, 54, may asawa, truck driver, at taga-Bgy. Bayanihan, San Narciso.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Bandang 3:00 ng hapon nang tumawid ang matanda sa lugar, nang hindi batid na sumunod sa kanya ang kanyang apo.

Napansin ni Camo na paparating ang Isuzu cargo truck (XGW-434) na minamaneho ni Rocha at kasabay nito ay napansin niya ang papatawid na apo, kaya prinotektahan niya ang paslit at siya ang nasagasaan.