perpetual copy

Ni Marivic Awitan

Mga Laro sa Huwebes

(FilOil Flying V Centre)

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

8:00 a.m. – LPU vs CSB (jrs)

9:30 a.m. -- LPU vs. CSB (m)

11:00 a.m. –- LPU vs. CSB (w)

12:30 p.m. -- Perpetual vs. San Beda (w)

2:00 p.m. -- Perpetual vs. San Beda (m)

3:30 p.m. –- Perpetual vs. San Beda (jrs)

PINANGUNAHAN ni Charm Simborio ang Letran para makabawi sa una nilang kabiguan sa pamamagitan ng paggapi sa Mapua kahapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 93 volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nagtala si Simborio ng 16-puntos upang pangunahan ang Lady Knights sa , 25-22, 25-17, 25-19, paggapi sa Lady Cardinals.

Umiskor ang transferee mula Far Eastern University na naglalaro para kay coach Mike Inoferio-bilang setter at spiker ng 10 hits at 6 na service aces.

“Importante ito (panalo) sa amin kasi at least yung mga bata tataas ang kompiyansa going to out next game against Arellano next Friday,” pahayag ni Inoferio. “Dagdag kompiyansa ito sa mga bata. Kahit papaano ang panalo, ‘yung misyon nila eh! nagagawa na nila.”

Napag -iwanan sa iskor na 2-9 sa third set ang Letran makaraang uminit ang opensa ng Mapua sa pangunguna nina Patria Pena at Dianne Latayan bago nagsalansan ng siyam na sunod na puntos ang Lady Knights upang agawin ang kalamangan,11-9, na hindi na nila muling binatawan upang makamit ang tagumpay.

Ang kabiguan ang ikalawang sunod para sa Lady Cardinals na bumaba sa ilalim ng team standings kasama ng Emilio Aguinaldo College.

Nauna rito, nakamit naman ng Mapua Cardinals ang una nilang panalo matapos ipalasap sa Knights ang ikalawang sunod na panalo, 25-20, 25-11, 25-21.