ISASAGAWA ng Association for the Advancement of Karate-do (AAK) ang Manuel Veguillas Memorial Cup sa Enero 26-28 sa Mall of Asia’s Music Hall.

Ayon kay national coach Richard Lim, ang tatlong araw na event, ay isang pagkilala sa kontribusyon sa sports ng namayapang si AAK founder Manuel “Pocholo” Veguillas III.

Iginiit ni Lim, dating national athlete at multi-title jin, kumpirmadong lalahok ang mga atleta mula sa apan, South Korea, Thailand, Indonesia, Singapore, Brunei, Malaysia at India.

Hinimok ni Lim ang lahat ng miyembro at mga karate clubs na lumahok sa torneo. Bukas na pagpapatala hanggang Enero 14.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Magsasagawa naman ng training camp para sa advance kumite, sa pangangasiwa ni Shin Tsukii Sense sa Enero 26.

Ang laban sa Cadets, Juniors, Seniors at Veterans ay sa Enero 27, habang ang 13-under category ay sa Enero 28.

Batay sa AAK website, si Veguillas ang itinuturing na ‘Father of Philippine Karate’. Itinatag niya ang PKF sa Southeast Asian Games noong 1987 at nagging pangulo nito hanggang 2000. Sa kanyang pangangasiwa, nakamit ng bansa ang 72 medalya, kabilang ang 41 ginto sa iba’t ibang international tournaments.