Isinisi ni Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel Piñol sa illegal logging ang malawakang pagbaha sa Zamboanga Peninsula bunsod ng bagyong 'Vinta', na ikinasawi ng halos 100 katao noong nakaraang taon.

Ipinahayag ito ni Piñol matapos nilang matuklasan sa aerial inspection na nakakalat ang mga troso sa mga bayan na sinalanta ng bagyo.

Aniya, ang umano’y logging operations ng pamilya Consunji sa Zamboanga Peninsula ay dapat na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan upang ito’y mahinto.

Aniya, posibleng hindi nangyari ang malawakang pagbaha na ikinasawi ng mga residente kung walang nagaganap na illegal logging activities sa lalawigan.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“I, as Secretary of Agriculture, is blaming the logging operations for massive agricultural damage in the towns of Sirawai, Siocon, Sibuco. And in the place of the mayors, they are also blaming the logging operations for the death of almost a hundred people in those towns,” diin ng Kalihim.

Tiniyak din ni Piñol na irerekomenda nito kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang malawakang ilegal na pagtotroso sa lugar upang hindi na maulit ang sakuna.

Matatandaang tumama ang bagyo sa Mindanao, bago ang araw ng Pasko, na naging sanhi ng pagkalubog ng ekta-ektaryang lupain at pagkamatay ng 200 katao. - Rommel P. Tabbad