BRR…Balot ng makakapal na  kasuotan at halos mata na lamang ang nakalabas sa mga taong naglalakad sa Manhattan sa New York City, New York,  nitong  Biyernes dahil sa napakatinding lamig ng paligid. - REUTERS
BRR…Balot ng makakapal na kasuotan at halos mata na lamang ang nakalabas sa mga taong naglalakad sa Manhattan sa New York City, New York, nitong Biyernes dahil sa napakatinding lamig ng paligid. - REUTERS
NEW YORK, ONTARIO (AFP) – Sinusuong ng mga tao ang napakalamig na panahon sa New York kasabay ng pahayag ng National Weather Service na magtatagal ang nagyeyelong temperatura at hangin sa silangan ng US hanggang sa weekend.

Halos hindi makakilos sa lamig ang silangan ng United States at Canada nitong Sabado sa ilalim ng record-breaking na napakababang temperatura kasunod ng nakamamatay na winter storm habang nagkakagulo sa pangunahing paliparan sa New York, dahil sa mga nakanselang biyahe ng eroplano.

Sa Canada, umaabot ang temperatura sa minus 50 degrees Celsius sa hilaga ng Ontario at Quebec.

Nagbabala ang mga opisyal na ang Arctic blasts na naghahatid ng nagyeyelong hangin sa silangan ng United States ay maaaring magdulot ng frostbite sa exposed na balat sa loob lamang ng 10 minuto.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Ang deep freeze ay kasunod ng bagyo na binansagang “bomb cyclone” ng forecasters, na ikinamatay ng 19 katao sa United States, mula Texas hanggang Wisconsin.

Nitong Sabado, mahigit 3,420 flights na paalis at patungong United States ang nakansela, at pinakaapektado ang John F. Kennedy airport ng New York at Charleston ng South Carolina.

Sa silangan ng Canada, dalawang linggo nang nagdurusa sa napakatinding lamig, nadagdagan pa ang mga nakansela at naantalang flights sa Toronto airport, at ilang komunidad sa Quebec coast ang binabaha.

“Frostbite can develop within minutes on exposed skin, especially with wind chill -- and keep emergency supplies in your vehicle,” babala ng the Canadian weather service.