Arestado ang isa umanong drug user nang magnakaw ng P300 halaga ng pantaloon bilang late Christmas gift para sa nobya sa Caloocan City, nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ni PO1 Philbert Estangki ang suspek na si Rogelio Gresola, 42, walang trabaho, ng Barangay 152, Bagong Barrio, Caloocan City.

Base sa inisyal na imbestigasyon, tinangay ni Gresola ang isang denim pants mula sa RTW shop sa Mascardo Street, bandang 10:00 ng umaga.

Dinala ni Hassan Acmad, 37, may-ari ng tindahan, si Gresola sa barangay hall matapos niya itong habulin sa layong 50 metro.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inamin ni Gresola ang pagnanakaw ng pantalon, sinabing ibibigay niya sana ito sa 33-anyos niyang girlfriend.

“I will give it to her as a late Christmas gift,” sabi ni Gresola.

Samantala, sinabi ng mga barangay officials na kilala si Gresola sa pang-uumit ng mga gamit sa lugar.

“That’s how he works. He will sell the items just to buy drugs,” ayon kay William Cassasos, barangay councilman.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso si Gresola na kasalukuyang nakakulong sa Caloocan police. - Kate Javier