TUTULAK na ang pinakahihintay na 2018 Alphaland National Executive Chess Championships sa Enero 27 na gaganapin sa Activity Hall ng Alphaland Makati Place, Ayala Avenue, Makati City.

Ito ang kauna-unahang executive tournament sa taong ito na inorganisa ng Philippine Executive Chess Association (PECA) na bukas sa lahat ng executive player at miyembro ng PECA kung saan hindi lalagpas ang kanilang rating sa 2200. Lahat ng founding officers at miyembro ng PECA ay puwedeng makalahok.

Nakataya ang P10,000 sa magkakampeon habang P7,000, P5,000, P3,000, P2,000 ang maiuuwi naman ng ika-2 hanggang ika-5 puwesto ayon sa pagkakasunod.

Tatanggap naman ng tig P2,000 ang Best Senior Player, Best Female Player, Best 2000 and Below at Best 1800 and Below.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

May suprise gift din para sa magwawagi bilang best dressed award sa nasabing executive chess tournament.

Ipapatupad ang Six Round Swiss System, 20 minutes at may five seconds increment ang time-control sa one day event.

Ang pre-registration ay nagkakahalaga ng P1,000 na may kasamang lunch, snacks, at unlimited coffee habang P1,200 naman ang on-site registration. - Gilbert Espeña