Ni Gilbert Espeña

NAGKAMPEON si Philippine chess wizard seven-year-old Al-Basher “Basty” Buto sa Punta Chess Association (PCA) 1950 and below Rapid Chess Tournament nitong Disyembre 30 na ginanap sa Barangay 899 Covered Court sa Punta Sta. Ana, Maynila.

Si Buto na Grade 2 student ng Faith Christian School sa Cainta, Rizal ay nakaungos kay Polytechnic University of the Philippines (PUP) top player Jeremias Ygot sa sixth at final round tungo sa pagbulsa sa top prize P3,000 at tropeyo.

Tumapos ng malinis na kartada si Buto na may 6.0 puntos sa six rounds Swiss System na nilahukan ng 28 manlalaro kung saan si National Arbiter at National Master Rudy Ibanez ang nangasiwa ng nasabing one day chessfest.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Magugunita na si Buto na tubong Marawi City at mas kilalang “Basty” sa chess world ay sariwa pa sa pagkapanalo ng limang gold at isang silver medals sa 18th ASEAN Age Group Chess Championship na ginanap sa Pahang, Malaysia nitong Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3, 2017.

Nagpakitang gilas din si Mark Louie Velasco ng Morong, Rizal na may 5.0 puntos at maibulsa ang P2,000 plus trophy para sa runner-up place habang si Ricardo Alvarado ng Marikina City ay nagkamada naman ng 4.5 puntos tungo sa pag-uwi ng P1,000 plus trophy para sa third place.

Nasikwat naman ni Abdul Buto ang top kiddies award habang nakamit naman ni Rohanisah Buto ang top lady award.