Ni Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City - Dalawang hinihinalang transporter ng ilegal na droga na kumikilos sa ilang lugar sa bayan ng Victoria sa Tarlac ang naaresto sa buy-bust operation sa Barangay Sta. Lucia ng nabanggit na bayan, nitong Lunes ng hapon.

Ayon kay PO3 Francisco Gamis, may hawak ng kaso, inaresto sina Eduardo Ibañez, 47, may asawa, tricycle driver, ng Bgy. Suizo; at Alice Muan, 52, may asawa, ng Bgy. Tibag, Tarlac City.

Napag-alaman na iniabot umano ng mga suspek sa poseur buyer na si PO1 Leo Quijano ang hinihinalang shabu kapalit ng P500 marked money hanggang sa tuluyang arestuhin sina Ibañez at Muan.
Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!