Patrick Patterson (Zach Beeker / NBAE / Getty Images / AFP)
Patrick Patterson (Zach Beeker / NBAE / Getty Images / AFP)
NEW YORK (AP) — Pinagmulta ng US$10,000 si Oklahoma City Thunder forward Patrick Patterson bunsod ng tahasang pagtuligsa sa officiating sa NBA nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Sa kanyang post sa Twitter nitong Sabado, sinabi ni Patterson “There needs to be some kind of consequence for their downright awfulness rather than pointless apologies from their bosses. #dobetter.”

Ginawa niya ang tweet matapos matalo ang Thunder sa kontrobersyal na laro kontra Milwaukee Bucks nitong Biyernes sa Oklahoma City.

Sa krusyal na sandali, nagawang makaiskor ni Giannis Antetokounmpo, sa kabila ng tinamong step-in sa inbound play may 1.3 segundo sa laro na nagging daan para sa 97-95 panalo ng Bucks.

Angelica Yulo, ibinida training ng mga anak sa Japan

Hiniling ni Thunder coach Billy Donovan at mga players na magsagawa ng review, ngunit hindi ito tinanggap ng mga referee.