Humanda na sa nagbabantang bagyo.

Ito ang babala kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dahil sa posibilidad na maging ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) na namataan sa bahagi ng Mindanao.

Inihayag kahapon ni Aldczar Aurelio, weather forecaster ng PAGASA, na maaaring mabuo ang bagyo sa loob ng 24 hanggang 48 oras, at inaasahang hahagupitin nito ang Caraga region.

Sinabi ni Aurelio na huling namataan ang LPA sa layong 385 kilometro sa silangan-timog-silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sakaling maging ganap na bagyo, tatawagin itong ‘Agaton’, ang una ngayong 2018. - Rommel P. Tabbad