Iilang Pilipino lamang ang nakatupad sa kanilang New Year’s resolution ngayong taon, lumutang sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa isinagawang pag-aaral mula Dsiyembre 8 hanggang 16, 46 na porsiyento ng mga Pinoy ang nagsabing gumawa sila ng listahan ng mga nais na baguhin sa pagpasok ng 2017.

Ngunit, 6% lamang sa mga ito ang nagsabing natupad nila ang “all or almost all” ng mga resolusyon, habang 12% ang “most”, 23% ang “few, at 4% ang “almost none or none.”

Sa mga sumagot ng “all or almost all” at “most”, karamihan ay nagmula sa classes ABC, sa 25% habang 19% sa class E at 18% sa class D.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,200 respondents sa 300 katao mula sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao. - Beth Camia