SAN JUAN, Puerto Rico (AP) – Ang rebelasyon na mahigit 660,000 power customers sa buong Puerto Rico ang wala pa ring elektrisidad mahigit tatlong buwan matapos manalasa ang Hurricane Maria ang nagbunsod ng galit, pagkagulat at pagbibitiw sa trabaho ng ilang taga-isla na inakusahan ang mga opisyal ng kapalpakan sa pagtugon sa Category 4 na bagyo.
Ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng statistic ang gobyerno ng U.S. territory, na inilabas kasabay ng babala ng mga awtoridad na marami pang hindi inaasahang pinsala ang nadidiskubre ng mga crew matapos humagupit ang Maria noong Setyembre 20 dala ang lakas ng hangin na 154 mph, ibinuwal ang mga linya ng kuryente sa buong isla. Sinabi ng mga opisyal na 55 porsiyento ng halos 1.5 milyong customer ng Puerto Rico ang wala pa ring ilaw.
Sinabi ng U.S. Army Corps of Engineers na posibleng sa Mayo pa lubusang maibabalik ang serbisyo ng kuryente sa buong Puerto Rico.