Ni MARIVIC AWITAN

KUNG walang balakid sa umuusad na usapin, mahahanay ang businessman na si Dennis Uy ng Phoenix sa dalawang team owner sa PBA na may dalawa o higit pang koponan na minamanduhan.

Nasa proseso na umano ang pagbili ng Phoenix Petroleum sa prangkisa ng Kia na napapabalitang nawawalan ng interest sa sports matapos ang pagbibitiw ni Senator Manny Pacquiao bilang partner.

Kung sakali, balak ni Uy na baguhin ang komposisyon ng Picanto team sa sandaling makumpleto na ang pagbili sa Columbian Autocar Corporation, ang nagmamay -ari ng prangkisa ng Kia at maaprubahan ito ng PBA board.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“The first order of business for the PBA team is to make it competitive,” ayon sa isang insider na siya ring nagsiwalat sa nasabing planong pagbili matapos talunin ng Fuel Masters ang Picanto, 125-102, noong Miyerkules ng gabi.

“Definitely, there will be a major overhaul (in the Kia team) if the sale pushes through,” aniya.

Ayon pa sa source, Disyembre 22 nang magsimula ang pag-uusap sa pagbili ng Phoenix sa Kia. At makaraan ang halos isang linggo, kasama na sa negosasyon ang prangkisa nito sa PBA.

Gayunpaman, kapag nakumpleto na ang bilihan, kinakailangan pa itong maaprubahan ng PBA board.

At kung mangyayari ito, mapapahanay na si Uy kina Ramon Ang ng San Miguel Corporation at Manny Pangilinan ng PLDT bilang multiple franchise owner sa PBA.

Hawak ni Ang ang SMBeer, Ginebra, at Magnolia Hotshots, habang pagmamay-ari ni MVP ang Talk ‘N Text, NLEX, at Meralco.