Ni Marivic Awitan

NAGSIMULA ang taong 2017 para sa larong volleyball, ang ikalawang pinaka popular na sport sa kasalukuyan sa bansa sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng aksiyon sa NCAA 92nd volleyball season.

volley copy

Gaya ng sinundang season, ang San Sebastian College sa pamumuno ng tinanghal na 3-time Most Valuable Player na si Grethcel Soltones ang nanguna sa pagtatapos ng elimination matapos walisin ang lahat ng siyam nilang laban na direktang nagpasok sa kanila sa finals.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Namayani naman ang Arellano University sa naganap na stepladder semifinals matapos patalsikin ang dating kampeong College of St. Benilde, Lady Blazers na nauna ng ginapi ang San Beda College sa unang stepladder match.

Sa pamumuno ng mga beteranang sinaRialen Sante, Jovielyn Prado, Andrea Marzan, May Esguerra at libero Eunice Galang.at dulot ng inspirasyon nahugot mula sa yumao nilang pangunahing supporter -ang maybahay ng coach nilang si Obet Javier, winalis ng Lady Chiefs ang Lady Stags sa kanilang best -of-3. finals series upang makamit ang ikalawa nilang NCAA championship.

Dahil dito, natapos ang collegiate career ni Soltones na hindi nakatikim ng kahit isang titulo.

Sa UAAP, pinatunayan ng Ateneo de Manila University na kahit wala na sa kanila ang volleyball superstar na si Alyssa Valdez ay maituturing pa rin silang matinding contender.

Nagwagi ang Lady Eagles ng 12 laro sa eliminations kabilang na rito ang dalawang panalo kontra reigning champion De La Salle Lady Spikers.

Ang tanging koponan na nabigo silang matalo ay ang National University na pinangungunahan ni Jaja Santiago.

Pinamumunuan nina spikers Bea De Leon, Kat Tolentino, atMichelle Morente at setter na si Jia Morado,nakabalik ang Lady Eagles sa Finals sa ika-6 na sunod na taon pagkaraang talunin ang Far Eastern University sa Final Four.

Pinangunahan naman ang Lady Spikers ni graduating playmaker Kim Fajardo at mga hitters Kim Kianna Dy, ang nahirang na Most Valuable Player na si Majoy Baron, Desiree Cheng at libero Dawn Macandili , nakausad ng finals ang La Salle sa kabila ng hindi magandang simula.

Nakatikim sila ng tatlong talo sa eliminations, dalawa sa Ateneo at isa sa University of the Philippines bago namayani kontra University of Santo Tomas sa semifinals.

Sa finals nakauna ang Lady Spikers bago naitabla ng Lady Eagles at nakapuwersa ng do or die game.

Nag step up naman sa Game 3 sina Cheng, Dy at Tin Tiamzon upang ibigay muli ang titulo sa Lady Spikers, ang kanilang ika -10 titulo sa liga na lahat ay sa paggabay ni coach Ramil De Jesus.

Dahil sa kabiguang maihatid ang kani -kanilang koponan sa Final Four kapwa naman nagbitiw sa kanilang puwesto bilang coach ng NU Lady Bulldogs at UP Lady Maroons sina coach Roger Gorayeb at Jerry Yee ayon sa pagkakasunod.