FILE - In this June 9, 2017 file photo, Cleveland Cavaliers forward LeBron James (23) drives on Golden State Warriors forward Kevin Durant (35) during the second half of Game 4 of basketball's NBA Finals in Cleveland. The Warriors and Cavaliers are meeting for the third straight Christmas. (AP Photo/Tony Dejak, File)
INAABANGAN ang hidwaan sa pagitan nina Durant at James. (AP)

CLEVELAND (AP) – Muli, ilalatag ng NBA ang blockbuster duel sa Araw ng Kapaskuhan. At tampok na palabas, ang rematch ng nakalipas na NBA Finals sa pagtutuos ng reigning champion Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers.

Bukod sa labanang Kevin Durant at LeBron James Lunes ng gabi (Martes sa Manila), mapapanood din ang mga star players na tulad nina Houston Rockets guard James Harden at sumisikat na sina Joel Embiid ng Philadelphia Sixers at Karl-Anthony Towns ng Minnesota Timberwolves.

Cavs vs Warriors: Dwyane Wade’s impact

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Bukod sa pagkawala ni Kyrie Irving, ang malaking isyu ngayon sa Cavaliers kumpara sa nakalipas na season ay ang pagkakaroon nang mas malalim na bench na kinabibilangan ni two-time NBA champion Dwyane Wade.

Ang presensiya ni Wade ang malaking rason sa pamamayagpag ng Cavaliers. Mula sa pagiging starter, personal na hiniling ni Wade sa coaching staff na ilagay siya sa bench upang mas maging epektibo na hindi naman nabigo sa sunpd-sunod na panalo ng Cleveland sa scoring rate na 107.0 puntos kada 100 possessions kung naglalaro si Wade at nasa bench si James,a yon sa pahayag ng NBA.com.

Laban sa matikas na Warriors – natuldukan ang 11-game winning streak sa kabiguan sa kamay ng Denver Nuggets nitong Lunes (Linggo sa Manila) – inaabangan ang magiging kilos at kampanya ni Wade sa Cavaliers. Masusugat sa laban sa Warriors kung hanggang saan ng lakas at katatagan ng Cleveland laban sa matikas na karibal.

Malinaw na kayang makipagsabayan ng Cavaliers sa Warriors sa sandaling malusog ang pangangatawan ni James at mapanatikli ni Wade ang pagiging lider ng second unit ng Cleveland.

Sixers vs Knicks: Unicorn Watch

Sa labanng itinuturing “The Battle of the Unicorns,” nakatuon ang pansin sa tapatan nina Ben Simmons at Joel Embiid kontra kay Kristaps Porzingis.

Patuloy ang ratsada ng 6-10 guard na si Simmons at ang ipinakikita nitong opensa na pasok sa All-Star level ang malaking dagok sa pagnanais ni Embiid na maibalik sa winning streak ang Sixers.

Hindi man banta sa outside play, malupit si Embiid sa loob at ang all-around game niya ang nagbibigay ng bagong buhay sa Sixer, na inaaalat sa nakalipas na mga laro. Inaasahan ang physical na hiodwaan nila ni Porzingis.

Bukod kay Embiid, pambato rin ng Sixers ang 24-anyos rookie na si Simmons na ngayon pa lamang ay ipinapalagay na nang marami na susunod na supertar sa liga.

Nakikipagbuno ang Sixers sa Heat para sa No.8 seeding sa Eastern Conference.

Wizards vs. Celtics: Last season’s best rivalry

Bihira na ang solid na hidwaan sa NBA, ngunit mainit pa sa gunita ang karibalan ng Wizards at Celtics na kapwa nagkaharap sa playoff nitong 2015-16 at 2016-17. Sa kasalukuyan dominado ng dalawang koponan ang Eastern Conference.

Ngunit, nasa kampo ngayon ng Celtics ang apat na bagong star sa katauhan nina (Kyrie Irving, Jayson Tatum, Jaylen Brown at Aron Baynes) at bagong bench na binubuo nina (Daniel Theis, Shane Larkin and Semi Ojeleye). Sentro ng usapin ang naging desisyon ng Celtic na itrade si Isiah Tomas at Jae Crowder.

Hindi man itinuturing na magkaribal ngayong season, asahan ang maaksiyon at high-intensity match para sa dalawang nangungunang koponans a Eastern Conference.

Matikas ang naging simula ng kampanya ng Celtics, habang dinugo ang Wizards bago nagpapanalo.

Tampok din ang labanan ng Oklahoma City Thunder at Houston Rockets, gayundin ang paghaharap ng Minnesota Timberolves at Los Angeles Lakers.