Ililipat ng Guatemala ang embahada nito sa Israel sa Jerusalem, ayon kay President Jimmy Morales, kasunod ng pagkilala ni US President Donald Trump sa banal na lungsod bilang kabisera ng Israel.

Matapos makipag-usap kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, inihayag ni Morales sa mga Guatemalan, sa kanyang Facebook page, na “one of the most important topics was the return of Guatemala’s embassy to Jerusalem” mula sa Tel Aviv.

Ang dalawang bansa, kasama ang El Salvador, ay kilala bilang Northern Triangle ng Central America. - AFP

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'