SETYEMBRE nang umuwing matagumpay ang delegasyon ng Pilipinas sa kanilang naging kampanya sa Asian Indoor and Martials Arts Game na ginanap sa Turkmenistan.

Dalawang ginto sa 30 medalya ang naiuwi ng mga atletang Pinoy na sumabak dito kabilang na ang 14 silvers at 14 bronze.

Kung ikukumpara, naging isang matagumpay na kampanya ito ng Pilipinas gayung hindi masayadong maganda ang rekord ng bansa noong sumabak ito noong 2013 AIMAG na ginanap sa South Korea,gayung tatlong medalya lamang ang ating nakuha isa dito ay ginto at dalawang bronze.

Ikinasiya ng buong Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) ang nasabing tagumpay ng bansa kung saan sa kabuuang 62 delegasyon na sumabak tumapos ng 19th place ang Pilipinas.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naging kumpiyansa naman lalo ang tropa ng Pinas, dahil sa nasabing kampanya lalo na ang Chef de Mission na si Monsour del Rosario.

Sinabi ni del Rosario na simula pa lamang ng tagumpay ng bansa AIMAG at pipilitin niya sampu ng mga atleta na mas makakuha ng mas maraming ginto sa mga susunod na pagsabak nila. - Annie Abad