CARACAS (AFP) – Sa bibihirang pagpapakita ng kabutihang loob sa oposisyon, nagpasya ang Venezuela nitong Sabado na palayain ang 80 ikinulong sa mga demonstrasyon laban sa socialist government ni President Nicolas Maduro.

Sinabi ni Delcy Rodriguez, president ng assembly at pinuno ng Truth Commission na nag-iimbestiga sa mga protesta, na dumaan na sa opisina ni Maduro at criminal-justice offices ang mga rekomendasyon.

‘’We hope this will be done in the coming hours,’’ aniya, idinagdag na, ang Pasko ay ‘’a moment of reconciliation.’’ Hinarap ni Rodriguez ang 13 sa mga palalayain.

‘’You go back to jail for the medical check and then you go home to spend Christmas with your families,’’ aniya sa kanila.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Nitong unang bahagi ng linggo, nanawagan ang Venezuelan opposition leaders kay Maduro na palayain ang ‘’political prisoners’’ – tinatayang nasa 268 – bago mag-Pasko bilang gesture of good will.