Ni REGGEE BONOAN

“MAY upcoming teleserye po ba ang ElNella?” tanong sa amin ng loyalistang supporters nina Elmo Magalona at Janella Salvador.

JANELLA AT HEAVEN copy

Wala kaming nababalitaang seryeng gagawin ng dalawa pero natatandaan na tinanggihan ni Janella ang The Good Son at mainit ngayong pinag-uusapan sa social media na ang dahilan ay hindi niya makakapareha si Elmo.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

May punto rin naman ang dalaga na ang gusto ay magkatambal sila sa lahat ng projects niya para solid sila.

Sagot namin sa nagtanong na fans, ‘May Wansapanataym naman po sila tuwing Linggo.’

“Oo nga po, doon na lang namin sila napapanood, siyempre gusto rin namin everyday,” katwiran sa amin.

Sabagay, iba rin kasi kapag may teleserye. Anyway, mapapanood ngayong gabi sa Wansapanataym Presents: Jasmin’s Flower Powers ang paghaharap nina Janella (Jasmin) at Thor (Elmo) at ang kakambal niyang si Heaven Peralejo (Daisy).

Regalo ng pag-ibig at pagpapatawad ang natanggap nina Jasmin (Janella) at Thor ngayong Kapaskuhan matapos ang kanilang nakakakilig na pagbabalikan sa tulong ng lolo ng binata.

Ngunit agad ding magkakalamat ang kanilang kasiyahan sa pag-amin ni Daisy ng kanyang pagtingin para kay Thor na nagbabadyang sumira sa samahang nabuo nila ng kanyang kakambal.

Mas magiging kumplikado rin ang sitwasyon dahil mabubuko na ni Florita (Ruffa Mae Quinto) ang kapangyarihan ng dalagang bumuhay ng mga lantang halaman, na kanyang aabusuhin para sa kanyang sariling interes.

Maging sanhi kaya ng kaguluhan ang pag-ibig nina Jasmin at Daisy kay Thor?

Alamin sa Wansapantaym Presents: Jasmin’s Flower Power ngayong gabi sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).