Thunder,lusot sa Hawks mula sa 3-pointer ni Westbrook

Atlanta Hawks' Isaiah Taylor vs Oklahoma City Thunder's Russell Westbrook (0) (AP Photo/Kyle Phillips)
Atlanta Hawks' Isaiah Taylor vs Oklahoma City Thunder's Russell Westbrook (0) (AP Photo/Kyle Phillips)
OKLAHOMA CITY (AP) — Mataas ang tsansa ng panalo sa sandaling nasa kamay ni Russell Westbrook ang bola sa krusyal na sandali.

Sa isa pang pagkakataon, naisalapk nig reigning MVP ang three-pointer may 1.7 segundo ang nalalabi para tampukan ang kanyang 30 puntos at 15 assist outing sa 120-117 panalo kontra Atlanta Hawks nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Nag-ambag si Carmelo Anthony ng 24 puntos mula sa 7-of-12 3-point shooting, habang kumana si Paul George ng 17 puntos para sa Thunder, nagwagi sa ikalimang pagkakataon sa huling anim na laro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I think we know now how to close and where we’re going to to close,” pahayag ni George. “Russ is our leader. ... We knew that we could kind of mess them up with the play that we had, cause some confusion. They backed off and Russ had an easy, open opportunity. Russ is as good as anybody when it’s closing time.”

Matikas na nakihamok ang kulelat na Atlanta at nagawang makabangon mula sa 16 puntos na paghahabol sa first half.

Nanguna si Marco Belinelli sa Hawks na may 30 puntos, habang tumipa si Ersan Ilyasova ng 22 puntos.

“There are a lot of things you can learn from a game like tonight,” sambit ni Atlanta coach Mike Budenholzer.

“It’s tough to not have the shot or the bounce at the end of the game, but to compete and play the way we did, really both halves, but particularly the second half ... hopefully our team can take something from tonight about how we played.”

Naagaw ng Hawks ang bentahe sa 92-88 may 8:49 sa laro mula sa basket ni Kent Bazemore. Pinangunahan ni Westbrook ang 16-5 run ng Thunder at umabante ang Thunder mula sa 3-pointer ni Anthony, 104-97, may 5:34 ang nababali.

Nagbalita ng scoring run ang magkabilang panig hanggang sa magtabal sa 117-all mula sa dalawang free throw ni Ilyasova may 11.1 segundo sa laro.

CLIPPERS 128, ROCKETS 118

Sa Houston, naitala ni Austin Rivers ang career-high 36 puntos tampok ang anim na three-pointer para sandigan ang Los Angeles Clippers konmtra sa Rockets.

Nabalewala ang isa pang scoring run ni Rockets star James Harden na kumana ng 51 puntos sa ikalawang sunod na laro.

Ito ang ikalawang sunod na kabiguan ng Houston matapos ang impresibiong 14-0 win.

Kumubra ang dating Rocket guard na si Lou Williams nang 32 puntos mula sa bench ng kulang sa player na Clippers.

Hindi rin naganap ang pinakahihintay na paglalaro ni Chris Paul laban sa dating koponang Clippers ang magtamo ng groin injury ang Rocket star player.

Wala naman sa Clippers ang injured ding si All-Star Blake Griffin at huard Patrick Bevery.

BUCKS 109, HORNETS 104

Sa MIlwaukee, kumubra sina Khris Middleton ng 28 puntos at Giannis Antetokounmpo na may 26 sa panalo ng Milwaukee Bucks kontra Charlotte Hornets.

Martapos makuha ang 104-100 bentahe mula sa driving lay-up ni Kemba Walker,humugit ang Bucks ng 9-0 run at nagtabla ang iskor sa 111-all mula sa dunk ni Antetokounmpo.

Kumana si Eric Bledsoe ng 24 puntos at 10 assists sa Bucks, habang tumipa si dating University of Wisconsin star Frank Kaminsky ng 16 puntos at may 15 puntos si Marvin Williams.

HEAT 113, MAVS 101

Sa Miami, napantayan ni Wayne Ellington ang career high 28 puntos, habang kumubra si Josh Richardson ng 24 puntos sa panalo ng injury-ravaged Heat sa Dallas Mavericks.

Nag-ambag sina Tyler Johnson ng 19 puntos at tumipa si Bam Adebayo ng 14 puntos para sa Miami.

Nanguna sa Mavs sina Dirk Nowitzki at Harrison Barnes na kumana ng tig-20 puntos.

Sa iba pang mga laro, dinurog ng Brooklyn Nets ang Washington Wizards, 119-84; Ibinasura ng New Orleans Pelicans, sa pangunguna ni DeMarcus Cousins na may 26 puntos at 11 rebounds, ang Orlando Magic, 111-97.