Ni CHARINA CLARISSE L. ECHALUCE

Ilang araw bago ang Pasko, isang 11-anyos na lalaki ang unang biktima ng paputok para sa kasalukuyang taon, iniulat kahapon ng Department of Health (DoH).

Ayon sa Aksyon: Paputok Injury Reduction 2017 Report No. 1, naitala ang kaso ng firecracker-related injury sa pagitan ng 6:00 ng umaga ng Disyembre 21 hanggang 6:00 ng umaga ng Disyembre 22.

Base sa ulat, isang 11 taong gulang na lalaki mula sa Pasig City ang naputukan ng Piccolo sa kanang kamay.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kasalukuyan siyang ginagamot sa Amang Rodriguez Medical Center.

Gayunman, ito ay mas mababa kumpara sa iniulat noong nakaraang taon.

“This is five cases lower than the same time period as last year,” nakasaad sa ulat ng DoH.

Mababasa rin sa report na walang iniulat na fireworks ingestion case at stray bullet injury.

Idinagdag ng DoH na walang iniulat na namatay sa unang araw ng kanilang pagmo-monitor ng firecracker-related injuries.

Kamakailan lang, sinabi ni Health Undersecretary Gerardo Bayugo na inaasahang bababa ng 50 porsiyento ang bilang ng firecracker-related injuries ngayong holiday dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng nationwide firecrackers ban.

“Last year, we recorded a 32 percent reduction in injuries due to rumors that there will be a ban. So this year we see further reduction of 50 percent now that the ban is already in place,” sabi ni Bayugo.