Ni ANNIE ABAD

‘Bahala na lawyers ko dyan’-- Peping.

WALANG balak na magbitiw bilang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) si Jose ‘Peping’ Cojuangco at ipinagkibit-balikat lamang ang naging desisyon ng Pasig City Regional Trial Court na nagpapawalang-bisa sa kanyang pagkapanalo sa nakalipas na POC election.

Ayon kay Cojuangco, may mas mahahalagang bagay na pagtuunan, kabilang ang paghahanda sa pagsabak ng Philippine delegation sa Asian Games sa Jakarta, Indonesia sa Agosto 2018 at ang hosting ng bansa sa 2019 Southeast Asian Games.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Mga lawyers na lang namin ang bahala sa usapin na ‘yan. There are a lot of things to be done. We have to prepare for Asian Games,and the SEA Games” pahayag ni Cojuangco.

“It is useless to talk about it now, Mas magandang pag usapan na lang natin ang hosting ng Pilipinas sa SEA Games kaysa dyan,” aniya.

Hindi rin tahasang sinabi ni Cojuangco kung susundin niya ang desisyon ng RTC na magsagawa muli ng halalan ang POC sa Pebrero 23.

Inilabas kahapon ang kopya ng desisyon ni Judge Maria Gracia Cadiz-Casac na may petsang Disyembre 1 na nagpapawalang bisa sa halalan ng POC noong Nobyembre 2016 kung saan nahahal si Cojuangco na walang kalaban.

Nag-ugat ang desisyon ng RTC sa isinampang reklamo ni Ricky Vargas, pangulo ng Amateur Boxing Alliance in the Philippines (ABAP) matapos siyang idiskwalipika ng POC Comelec dahil sa ‘eligibility’. Iginiit ni POC Comelec na ang mga opisyal na regular na dumadalo sa POC General Assembly ang may karapatang tumakbo sa posisyon ng Pangulo at Chairman.

Ngunit, sinabi ni Cadiz-Casaclang na inabuso ng POC Comelec ang kapangyarihan at nilabag ang sariling election rules nang idiskwalipika sina Vargas at Tolentino.

“This court rules that POC election committee acyed beyond scope of its power and authority granted to it by the POC Executive Board and violated its own POC Election Rules,” pahayag sa court decision.

Aminado si Vargas na batay sa legal na proseso, may karapatan si Cojuangco na umapela, ngunit iginiit niya na ang desisyon ay patunay lamang sa kamalian at pang-aabuso sa kapangyarihan ng POC.

Subalit, sinabi ni Vargas na inihahanda na niya ang lahat ng dokumento hingil sa naturang isyu, kasama ang court decision upang maipadala sa International Olympic Committee (IOC).”

“Mahaba pa ang laban sa local court. The best move is to inform the IOC and kept them updated about what happeninf in Philippine sports under Mr. Cojuangco’s leadership,” pahayag ng nagretiro nang si Go Teng Kok ng athletics.