UNITED NATIONS (AFP) – Nagbabala si US Ambassador Nikki Haley nitong Martes sa mga bansa na iuulat niya kay President Donald Trump ang mga pangalan ng mga sumuporta sa draft resolution na nagbabasura sa desisyon ng United States na kilalanin ang Jerusalem bilang kabisera ng Israel.
Magdadaos ang UN General Assembly ng emergency session sa Huwebes para pagbotohan ang panukalang hakbang na hinarang ng US sa Security Council.
‘’The president will be watching this vote carefully and has requested I report back on those countries who voted against us,’’ saad sa liham ni Haley sa ilang UN ambassadors.
Nagpaskil din si Haley sa Twitter na ‘’the US will be taking names’’ sa botohan sa Huwebes ng 193-nation assembly.
Hiniling ng Turkey at Yemen ang urgent meeting para sa grupo ng mga bansang Arab at ng Organization of the Islamic Cooperation (OIC).