Habang isinusulat ang balitang ito, nasa malubhang kalagayan ang isang construction worker nang saksakin ng kanyang kasamahan dahil sa pagsasabi nito ng “buraot”, sa Valenzuela City kamakalawa.

Nakaratay sa Valenzuela City Medical Center si Felipe Cabunag, 41, stay-in sa Project Faustino Yu Construction Site na nakabase sa Ulingan Street, Barangay Lawang Bato ng nasabing lungsod. Siya ay nagtamo ng saksak ng ice pick sa kaliwang dibdib.

Tumakas naman ang mga suspek na kinilala lamang sa mga alyas na “Lowi” at “Jay-Ar”.

Sa imbestigasyon ni PO3 Roberto Medrano, Jr., lasing na dumating sa construction site si Cabunag, dakong 11:30 ng gabi.

National

PBBM office, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱10.5B proposed budget sa 2025

Nakita niya na naroon sa loob si “Lowi” at pabalang na sinabihan ng, “Naubusan na naman ang parte na binigay ng nanay mo, kaya narito ka buraot”.

Dahil dito, nagalit si Lowi at hinamon ng suntukan ang biktima, ngunit paglabas nito ay tinarakan siya ni Jay-Ar na kaibigan ng una at saka nagsitakas.

Inaalam na ang tunay na pangalan ng mga suspek upang sampahan ng kasong frustrated homicide. - Orly L. Barcala