UMUSAD ang dating kampeong San Beda College at University of Visayas sa quarterfinals ng 6th Philippine Secondary Schools Basketball Championship (PSSBC) Dickies Cup makaraang magwagi sa kani -kanilang mga katunggali sa Chiang Kai Shek College gym sa Manila.

Naitala ng Red Cubs ang ikalawang panalo sa Group A makaraang padapain ang reigning UAAP champion Far Eastern University, 65-43.

Ginapi naman ng reigning Cebu Schools Athletic Foundation, Inc. titlists Baby Lancers ang Paco Catholic Academy Foundation, 83-63, sa Group C.

Ang panalo na pinangunahan ni Beim Laurente na nagposte ng 18 puntos ang ikalawa para sa UV kasunod ng 89-78 tagumpay kontra Mapua sa opening day.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa iba pang laro, tinalo ng UAAP squad National University ang 2015 champion CKSC, sa mismong homecourt nito, 73-71, sa Group B.

Pinangunahan ni Rhayyan Amsali ang naturang panalo matapos umiskor ng 18 puntos at siyam na rebounds.

Nagwagi din ang 2013 champion San Sebastian College kontra inaugural titleholder Hope Christian High School, 69-64, sa Group D. - Marivic Awitan