Ikinintal ni Vice President Ma. Leonor "Leni" Robredo sa kanyang mga empleyado sa opisina ang kaisipang: Ang serbisyo publiko ay parehong karangalan at prebilihiyo.

Ibinahagi ni Robredo na nais niyang palagi itong isaisip ng staff ng Office of the Vice President, kasabay ng pagpahayag na opisyal nang ISO-certified ang OVP.

“I hope each and every one here, especially the young members of our staff, will keep in mind his or her role in the bigger picture,” aniya sa pagtitipon ng OVP employees sa Quezon City Reception House, kung saan siya nag-o-opisina.

Naipasa ng opisina ni Robredo ang accreditation process para matamo ang International Organization for Standardization 9001:2015 bago matapos ang taon. Ito ang unang pagkakataon na ang OVP ay nakakuha ng organization-wide certification sa ilalim ng bagong bersiyon ng ISO 9001 Standard, na tumutukoy sa Quality Management Systems.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Inialay ni Robredo ang halos buong 2017 sa pagpapalawak sa naaabot ng kanyang flagship anti-poverty program na Angat Buhay. - Raymund F. Antonio