WASHINGTON (REUTERS) – Sinisi ng administrasyong Trump ang North Korea sa WannaCry cyber attack na pumaralisa sa mga ospital, bangko at iba pang mga kumpanya sa buong mundo sa unang bahagi ng taong ito.

“The attack was widespread and cost billions, and North Korea is directly responsible,” isinulat ni Tom Bossert, homeland security adviser ni President Donald Trump, sa artikulong inilathala nitong Lunes ng gabi sa Wall Street Journal. “WannaCry was indiscriminately reckless.”
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'