Ni DIANARA T. ALEGRE

Jonghyun
Jonghyun
PUMANAW na si Kim Jong-hyun, mas kilala bilang si Jonghyun ng South Korean pop group na SHINee, makaraang iulat ng Yonhap News na natagpuang walang malay sa kanyang apartment nitong Lunes, Disyembre 18.

Agad isinugod ang walang malay na 27 taong gulang na Korean star sa Konkuk University Hospital, kung saan siya namatay kalaunan.

Ang main vocalist ng SHINee, ay natagpuang walang malay sa kanyang apartment sa Cheongdam-dong sa Seoul dakong 6:00 ng gabi (Korean time), ayon sa pulisya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Isang bagay na tila brown coal briquettes ang natagpuang nasusunog sa kawali, lahad ng pulisya.

Sinabi rin ng pulisya, na isiniwalat ng nakatatandang kapatid na babae ni Jonghyun na, “It seems like he committed suicide.”

Sa pahayag nitong Martes, ibinunyag ng pulisya na nagpakamatay nga si Jonghyun at tumanggi na ang pamilya na isailalim sa awtopsiya si Jonghyun.

Ang pribadong burol ay gaganapin sa Huwebes ng umaga. Binuo ang SHINee ng SM Entertainment noong 2008, na binubuo nina Jonghyun, Minho, Key, Taemin at Onew.

Bunsod ng ilang parangal na natanggap, minsan nang tinagurian ang grupo bilang “Princes of K-Pop”.

Nitong nakaraang Nobyembre, nagpunta si Jonghyun at iba pang miyembrp ng SHINee, maliban kay Onew, sa Singapore para sa kanilang Shilla Beauty Concert.

Samantala, isiniwalat naman ng matalik na kaibigan ni Jonghyun na si Nine ng Dear Cloud, na alam nitong may pinagdadaan ang kaibigan, ilang linggo bago ito pumanaw at alam din ito ng kanyang pamilya.

“His family knew that Jonghyun was suffering, so they tried to be there for him even more. After receiving his will, Nine also kept in touch with Jonghyun more frequently,” lahad ng tagapagsalita ng Dear Cloud. “Jonghyun said his last goodbye to his sister and Nine on the day that he passed away. It was very similar to the contents that were already reported. Nine and his sister called the police and found him, but it was too late.”

Nag-iwan si Jonghyun ng final letter kay Nine, na hiniling niyang isapubliko nito kapag sumakabilang-buhay na siya.

“I am broken from the inside. The depression that slowly gnawed away at me has finally swallowed me whole. And I could not defeat it,” panimula ng liham ng singer.

Isiniwalat niya na nahihirapan siyang mamuhay, dahil pakiramdam niya ay mag-isa siya at walang karamay. Isinisisi niya ang nararamdamang kalungkutan at sakit sa sarili.

Tinapos ni Jonghyun ang mahaba at madamdaming liham sa: “What can I say. Just tell me I’ve done well, that this is good enough. That I’ve worked hard. Even if you can’t smile don’t fault me on my way. You did well, you worked hard. Goodbye.”