Nais ni Pangulong Duterte na magamit na kaagad sa susunod na taon ang bagong network provider na papasok sa Pilipinas na magmumula sa China.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inatasan na ni Pangulong Duterte ang National Telecommunications Commission (NTC) at ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na tiyaking gumagana na ang network na ipagkakaloob ng ikatlong telco player sa bansa.

Nais ng pangulo na sa unang quarter ng 2018 ay gumagana na ang bagong network.

Partikular na ipinag-utos ng Pangulo sa NTC at DICT na aprubahan ang lahat ng aplikasyon at lisensiya na kailangan ng China telecom sa loob lang ng pitong araw.

National

Romina, napanatili ang lakas habang kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Sinabi ni Roque na seryoso ang Presidente sa nais nitong makapagpasok ng ikatlong telecom player sa bansa para sa kapakinabangan ng publiko. - Beth Camia