BINOKYA ng National University ang Ateneo, 4-0, nitong Lunes para maagaw ang liderato sa UAAP Season 80 juniors football tournament sa Rizal Memorial Stadium.

Kumabig si Jericho Sinconiegue ng dalawang goal, habang kumana sina Daniel Francisco at Joshua Broce ng tig-isang goal para sa Bullpups.

Nakopo ng NU ang pangunguna tangana ng 12 puntos kasunod ang defending champion Far Eastern University-Diliman na may 10 puntos matapos makakuha ng bye sa second round.

Nadomina ng De La Salle-Zobel ang University of Santo Tomas, 8-0, paramasungkit ang ikatlong puwesto tangan ang siyam na puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Umikor din sa Zobel sina Joshua San Diego, Shanden Vergara, John Rey Lagura at Jed Bode.

Nasa No.4 ang Tiger Cubs na may apat na puntos, habang nanatiling bokya ang Blue Eaglets.

Magbabalik ang aksiyon sa Enero 7 matapos ang dalawang linggong Holiday break. Magtutuos ang FEU-Diliman at UST ganap na 8 ng umaga, habang magkakasubukan ang NU at De La Salle-Zobel ganap na alas-3 ng hapon.