Naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) sa isinagawang buy-bust operation sa Bukidnoon nitong Linggo.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron N. Aquino ang mga suspek na sina Charlie Macote y Bandoy, LTO employee; at Rubie Celleros y Lagaday, watch-listed drug personality.

Inaresto ang mga suspek ng mga tauhan ng PDEA-Region 10, sa pamumuno ni Director Adrian Alvariñoin, sa Barangay 10, Impalambong sa Malaybalay City, Bukidnon.

Nakumpiska umano mula sa mga suspek ang 10 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na may hinihinalang shabu, na aabot sa 10 gramo at nagkakahalaga ng P50,000, isang itim na Ford Ranger, at buy-bust money.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165). - Jun Fabon