TEGUCIGALPA (AFP) – Si Honduran President Juan Orlando Hernandez ang idineklarang nagwagi nitong Linggo sa kinukuwestiyong presidential election, sa kabila ng mga protesta at bintang na pandaraya ng oposisyon.
Inanunsiyo ito ng electoral authorities sa araw na umalis ang kalaban ni Hernandez, 49 anyos, ang makakaliwang si Salvador Nasralla, 64, patungong United States upang bigyang-diin ang sinasabi niyang ballot tampering sa halalan noong Nobyembre 26.