GENEVA (Reuters) – Sinabi ng pinakamataas na U.N. human rights official na hindi siya masosorpresa kung isang araw ay magpapasya ang korte na acts of genocide ang nangyari sa Rohingya Muslim minority sa Myanmar, ayon sa panayam sa telebisyon na ipapalabas sa Lunes (Martes sa Pilipinas).

Sinabi ni U.N. High Commissioner for Human Rights Zeid Ra‘ad al-Hussein sa BBC na ang mga pang-aatake sa Rohingya ay “well thought out and planned” at hiniling niya kay Myanmar leader Aung San Suu Kyi na dagdagan pa ang pagkilos para mapigilian ang aksiyon ng militar.

“The elements suggest you cannot rule out the possibility that acts of genocide have been committed,” aniya sa sipi ng panayam ng BBC.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture