Nina ELLSON A. QUISMORIO at HANNAH L. TORREGOZA

Nakikinita ng House Committee on Good Government and Public Accountability chairman ang paghahain ng kasong graft laban sa mga opisyal na responsable sa dengue vaccine mess.

“The hustled purchase of P3.5-billion worth of Dengvaxia shots in 2015 may be considered highly detrimental to the government,” pahayag ni Surigao del Sur 2nd district Rep. Johnny Pimentel kahapon.

Sinabi ni Pimentel na sa ilalim ng batas, ang pagpasok sa kontrata o transaksiyon na “manifestly and grossly disadvantageous” sa pamahalaan ay katumbas ng katiwalian at at unlawful practice.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Officials found liable may be penalized with up to 15 years in prison, plus perpetual disqualification from public office,” ani Pimentel, na ang tinutukoy ay ang mga probisyon ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Inihalimbawa ng mambabatas ng Mindanao ang pagbili ng Dengvaxia boosters sa pagbili ng sasakyan na nadiskubreng “lemon” — o isang produkto na may mababang kalidad at depektibo.

Samantala, hinikayat ni Pimentel ang manufacturer ng Dengvaxia na Sanofi Pasteur na kaagad ibalik ang P3.5 bilyon sa gobyerno ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Health (DoH), na ibinayad para sa anti-dengue shots.

Hinimok din ng mambabatas ang Sanofi Pasteur na magtatag ng indemnity fund, gaya ng ipinanukala ni Health Secretary Francisco Duque, para tustusan ang mga pagpapaospital o pagpapagamot ng mga batang Pilipino na maaaring magkasakit matapos mabakunahan ng Dengvaxia. Mahigit 800,000 bata ang nabigyan ng bakuna.

NOYNOY 'DI PA LUSOT

Samantala, sa kabila ng pahayag na malinis ang kanyang intensiyon, hindi pa rin absuwelto si dating Pangulong Benigno Aquino III at maaari pa rin siyang panagutin ng technical malversation sa pag-apruba sa P3.5-billion dengue vaccine deal.

Sa panayam ng radyo DZBB, sinabi ni Senador Joseph Victor “JV” Ejercito na sina Aquino, at Secretaries Florencio “Butch” Abad at Janette Garin ay may malaking pananagutan sa mabilis na pag-apruba ng Pangulo at pagbili ng Dengvaxia vaccines para sa Expanded Program for Immunization (EPI) ng pamahalaan.

Ipagpalagay na nilagdaan niya ang kasunduan sa Sanofi Pasteur sa paniniwalang maiiwasan nito ang posibleng dengue outbreak sa bansa, sinabi ni Ejercito na ang dating Punong Ehekutibo, bilang huling taong lumagda sa dokumento, ay dapat na ipinaalam ang Kongreso kaugnay sa desisyon ng Executive department na bumili ng mga gamot, dahil hindi ito kasama sa General Appropriations Act (GAA).