CABANATUAN CITY – Arestado ang dalawang umano'y tulak ng droga nang nahuli umano sa aktong nakikipagtransaksiyon sa Barangay Bantug Norte, Cabanatuan City, nitong Biyernes ng gabi.

Dinampot ng mga opisyal ng barangay sina Ian Fernando y Magana, 22, binata; at Emily Magno y Mari, 40, kapwa residente ng nasabing lugar.

Dakong 6:00 ng gabi umano at nagroronda ang mga tauhan ng barangay nang mamataan umano ang mga suspek sa akto ng pagbebenta ng ilegal na droga.

Nahulihan si Fernando ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, gayundin si Mari habang nakatakas naman ang buyer.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act (RA 9165) ang mga suspek. - Light A. Nolasco