Pinarangalan ng Philippine Army ang mga sundalo at military unit na nakatulong sa pagpapalaya sa Marawi City mula sa mga terorista.

Sinabi ni Army spokesman Lt. Col. Rey Tiongson na pinangunahan ni Army Chief Lieutenant General Rolando Joselito D. Bautista ang pagkakaloob ng mga medalya at plaque of recognition sa mga nagsipagbuwis ng buhay upang maitaboy ang Maute-ISIS sa Marawi City makalipas ang limang buwang bakbakan.

Iginawad sa seremonya nitong Biyernes ang 39 na Combat Commander Kagitingan badge, apat na Silver Cross Medal, at 14 na Military Merit Medal sa mga sundalo, pulis at tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na itinalaga sa Marawi.

“Being a former commander of Joint Task Force Marawi, I saw and felt all the sacrifices of all units and troops in order to overcome which we consider one of the greatest obstacles faced not only by the Armed Forces, PNP and Coast Guard but the whole country,” sabi ni Bautista. “That is why it is only fitting that this day we thanked and give honor to all units and individuals who responded to the call of liberating Marawi and protecting the people against the terrorist group.” - Francis T. Wakefield

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!