Ni Nitz Miralles

NANGHINAYANG ang reporters na wala si Miho Nishida sa presscon ng Haunted Forest dahil hindi nausisa sa isyung pagpaparetoke.

MIHO copy

Sabagay, hindi idini-deny ni Miho na nagpaayos siya ng mukha, hindi nga lang diretso ang sagot niya sa tanong ni Ahwel Paz nang ma-interview siya sa DZMM at tanungin kung may binago sa mukha niya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Siyempre bilang isang artista, para sa akin gusto kong lagi tayong maganda. And then happy ako kung ano ang meron sa akin. Mas lalong tumaas iyong confidence ko, so yes,” sagot niya.

May nag-post kasi ng before and after photos ni Miho at kita naman talaga ang pagbabago ng mukha niya, mula sa mata, ilong at labi. Kapansin-pansin din na pumuti siya at mas kuminis.

Wish ng mga reporter, dumating si Miho sa premiere night ng Haunted Forest na entry ng Regal Multimedia sa MMFF para makita at ma-interview siya.