Ni Liezle Basa Iñigo

LINGAYEN, Pangasinan – BUO ang suporta ni Governor Amado I. Espino III para maisulong ng chess clinics at chess competitions sa Pangasinan.

Sa ginanap na ‘awarding rites’ sa mga nagwagi sa 9th Gov. Amado Espino Cup Open Chess Championship nitong Disyembre sa Pangasinan Training and Development Center (PTDC), sinabi ni Espino na gagawin niya ang lahat para sa tagumpay ng Chess Festival na binubuo ng Chess Clinic, Age-Group Chess Championship, Pangasinan Chess Tournament at Governor Amado Espino Open Chess Championship – pinakamatandang sports event na suportado noon ni dating governor at 5thDistrict Representative Amado T. Espino, Jr.

May kabuuang 541 (362 ang sasabak ngayong taon ) ang sasabak sa Open Chess Championship ang pinakaimportanteng division mula nang simula ang torbeo noong 2009.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!