MAGTUTUOS sina Ivan Soriano ng General Santos City at Jaysever Abcede ng Valencia City para sa interim Oriental and Pacific Boxing Federation (OPBF) light flyweight title sa December 16 sa Makati Cinema Square Boxing Arena sa Makati City.

Tangan ni Soriano (16W-1L-1D, 8 KOs), dating interim Philippine Boxing Federation (PBF) light flyweight champion, ang limang sunod na panalo, kabilang ang huling dalawa ngayong taon.

Pinabagsak ng 29-anyos na si Soriano si Bimbo Nacionales nitong Hunyo 27 sa Makati City. Nitong Mayo 12, pinasuko niya si Jeronil Borres sa ikatlong round sa Davao City.

Galing din sa panalo si Abcede (15W-7L-0D,10 KOs), nang pabagsakin si Jhon Rey de Asis sa ikatlong round nitong September 28 sa Esperanza Municipal grounds sa Esperanza, Agusan del Sur.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Samantala, magkakasubukan sina dating WBC International bantamweight champion Ernesto Saulong (21W-2L-1D, 8KOs) ng Mindoro Occidental at Rena Portes (10W-5L-0D) para sa bakanteng IBF Pan Pacific bantamweight title.

Naipanalo ni Saulong ang huling laban via unanimous decision kay Michael Escobia nitong June 24 sa Santa Rosa City, habang nagwagi si Portes via 4th round TKO kontra Sherwin McDo Lungay nitong November 1 sa Iligan City. - PNA