PINANGUNAHAN ni Glory Alonzo ang ratsada ng Team Pilipinas sa 3-2 desisyon kontra Queensland sa 10th Paci­fic School Games 2017 under-17 girls softball semifinals kahapon sa ­Adelaide Shores Sports Complex, Australia.

Ang ika-12 diretsong tagumpay ng mga Pilipina ang nag-abante sa kanila sa finals ngayon katapat ang New South Wales.

Nag-pitcher ang 16-anyos mula sa Domingo Lacson National High School sa Bacolod na si Alonzo kay catcher Chastine Jover sa bawat laro para sa mga Pinay na wala pang talo at nagsasaya sa unang pagbiyahe sa Down Under.

Halos mamaos na sa kakasigaw ang bench ng Constant Queensland para makaiskor pa sana ng isang run ang kanilang batters sa pag-angas buhat sa three-run deficit para sana sa madramang pag-aagaw ng panalo sa PHL.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“Kinabahan din kami,” bulalals ni PH team skipper Alonzo, na sa second base luma­laro. “Pero nagkatulungan lang talaga at nagsasaya kami rito.”

Mas naging masaya si coach Russel Hulleza dahil sa pananati­ling matatag ng kanyang mga amasona sa kabila na naisuko ang komporta­bleng kalamangan.