Ikinulong ang limang katao sa paglabag sa city ordinance sa mas pinaigting na Oplan Galugad ng Caloocan City Police sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga kaso.

Ayon kay Sr. Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Caloocan City police, apat na lalaki ang inaresto sa pag-inom ng alak sa pampublikong lugar habang inaresto rin ang isang lalaki na nakahubad-baro sa kasagsagan ng simultaneous police operations mula Huwebes ng gabi hanggang Biyernes ng umaga.

Samantala, dalawang menor de edad ang dinampot sa paglabag sa 10:00 p.m. hanggang 5:00 a.m. na curfew.

Ayon kay Modequillo, sasampahan ng kaso ang mga lumabag habang ang dalawang menor de edad ay nasa kustodiya ng City Social Welfare Delevelopment.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Modequillo na patuloy nilang paiigtingin ang kanilang operasyon. 

“We will continue our operations until we get zero number of arrest,” ani Modequillo. - Kate Louise Javier