IPINAHAYAG kahapon ng International Olympic Committee (IOC) na ipinatigila ang pagbabayad sa mga gastusin ng International Boxing Federation (AIBA) hangga’t hindi nareresolba ang isyu sa liderato at pamunuan.

Nasa gitna ng kontrobersya ang AIBA matapos ang pagkakahati ng Boards na naging daan para masuspinde ang kanilang pangulo na si CK Wu at kalauna’y nagbitiw sa kanyang puwesto.

Pansamantalang pumalit kay Wu, miyembro ng IOC, si interim chief Franco Falcinelli at nakatakdang magpulong ang federation para sa extraordinary congress sa Enero 27 sa Dubai.

“The IOC executive board has major concerns with regard to the situation within AIBA in different aspects,” pahayag ni IOC President Thomas Bach.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“There is the governance issues, there is the fact that financial statements have not been made fully transparent, there are still questions open with regard to judging, refereeing and anti-doping and therefore we have asked AIBA for a full report by the end of January.”

Ayon kay Bach, nais niyang makita kung anong pagbabago ang gagawin ng AIBA para maisalba ang organisasyon na naipit din sa alegasyon ng corruption sa nakalipas na taoin.

Nanatili naman ang membership ni Wu sa IOC.

“We want to see the measures AIBA is taking to address these issues. Until things will change the IOC will not make any financial contributions to AIBA,” aniya.

Iginiit ni Bach na ang susunod na pagbigay ng pambayad sa AIBA ay sa susunod na taon para sa pambayad ng mga referees sa Youth Olympic Games sa Buenos Aires.

Ito ang ikalawang pagkakataon na inurot ng IOC ang pambayad ng AIBA.

Noong 2004 Athens Olympics, ibinitin ng Olympic body ang pambayad na US$1 milyon sa television rights bunsod ng iskandalo sa officiating.