NI Annie Abad

ASAHAN ang mas marami pang pambatang palaro na ilulunsad ang Philippine Sports Commission (PSC) sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang bahagi ng grassroots program sa taong 2018.

Sa katunayan ngayon pa lamang ay ikinakasa na ng PSC ang ilang mga sports events para sa mga kabataan, na siyang magiging daan upang makakuha ng mas marami pang future superstar na maaring maging kinatawan ng bansa para sa mga international competition.

Sa Disyembre 16-17, makakatuwang ng PSC sa paghahanap ng mga talentadong kabataan ang tropa ni Senator Manny Pacquiao sa pagsisimula ng PSC-Pacquiao Boxing Cup, kung saan mga kabataang sasabak sa boxing ang siyang mapapanood. Mula sa Gen. Santos City, dadalhin sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nasabing palaro.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Habang sa pagbubukas ng taon, nakakasa naman sa Dumaguete City ang Children’s Games 12-under at ang Philippine National Games (PNG) na gaganapin sa April 15-21.

“This is all a part of our grassroots program. PSC believe in our youth. One day we can make a champion out of these children, so dapat ngayon pa lang hubugin na sila. And it is the right of every children to play so dapat lang na maibigay natin sa kanila yung right na ‘yun,”pahayag ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Iikot sa buong bansa ang PSC upang sumuporta sa ilang palarong pambata na inoorganisa ng iba’t ibang Local Government Units (PGUs) mula Luzon, Visayas at Mindanao.