Ni BETHEENA KAE UNITE

Ilang misdeclared shipments na naglalaman ng iba’t ibang kalakal gaya ng relo, damit, bigas, at heavy equipment na nagkakahalaga ng P17.5 milyon ang nasamsam sa Port of Manila (POM) nitong Martes.

Bureau of Customs commissioner Isidro Lapeña shows to members of the media the seized P17.5 million worth of smuggled goods from China during a press conference in Manila, December 5,2017.(Czar Dancel)
Bureau of Customs commissioner Isidro Lapeña shows to members of the media the seized P17.5 million worth of smuggled goods from China during a press conference in Manila, December 5,2017.(Czar Dancel)

Aabot sa kabuuang apat na shipment ang nadiskubre sa gitna ng inspeksiyon, ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña. Ang lahat ng shipment ay nagmula sa China, dagdag niya.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ang shipment na naglalaman ng dalawang pallet ng bigas at malalaking picture frames na pawang idineklarang resins.

Ito ay ipapadala sa ACC Trading sa office address na 1600 Juan Luna Cor. Tello Street, Tondo, Manila. Isiniwalat ni Lapeña na si Rolando Quingquing Marfil ang umaktong customs broker ng ACC Trading.

Maging ang mga pekeng Casio G-shock watches, at pekeng sapatos ay natagpuan sa shipment na idineklara lamang na handicraft paper decoration. Ito ay padadala sa Alcambaras Trading Corporation sa office address na 6-B Matimyas House, 1688 M.H. Del Pilar St., Malate, Maynila. Iprinoseso ang shipment ng customs broker na si Manolet Camaclang.

Bukod diyan, iba’t ibang damit ang nadiskubre sa shipment na dapat ay naglalaman ng kobre-kama. Ipadadala ang shipment sa Melwinjay Trading sa office address na Rm. 418C, First United Bldg., Escolta St., Binondo, Maynila.

Napag-alaman na kinuha ng Melwinjay si Samuel Perez bilang kanilang customs broker.

Sa x-ray inspection, dalawang misdeclared heavy equipment ang nadiskubre sa isang shipment na idineklarang naglalaman ng machinery parts at accessories. Ang shipment ay ipadadala sa Pricewater Trading sa office address na 3F RJV Building National Highway, Biñan, Laguna. Iprinoseso ang shipment ni Samson Rivas Gabisan.

Sinabi ni Lapeña na nilabag ng mga consignee ang Section 1400 ng CMTA, Intellectual Property Law, at Republic Act (RA) 4653 na nagbabawal sa importasyon ng mga gamit na damit.

Nakatakdang mag-imbestiga ang Law Division.