Sugatan ang isang tricycle driver makaraang tamaan ng ligaw na bala habang naghihintay ng pasahero sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa.

Agad isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Jayar Bunanza, 29, ng Sta. Cruz, na tinamaan ng bala sa kaliwang binti.

Sa ulat ni PO3 Ryan Punzalan, ng Manila Police District (MPD)-Station 3, nag-aabang ng pasahero si Bunanza sa Lope de Vega, kanto ng Tomas Mapua Street, sa Sta. Cruz, nang makarinig siya ng putok ng baril at sinundan ng pananakit ng kaliwa niyang binti, pasado 11:00 ng gabi.

Naramdaman na lamang ni Bunanza ang pagtulo ng dugo sa kanyang binti at isinugod sa ospital upang malunasan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inaalam na kung saan nanggaling ang bala at sino ang nagpaputok ng baril noong oras na iyon. - Mary Ann Santiago