Ni REMY UMEREZ

MARAMING artista ang umaayaw sa mother roles. Tingin ng marami, demotion ito at pagbabadya ng pagtanda.

Hindi na ngayon, at pinatunayan ito ng mahusay na aktres na si Sylvia Sanchez.

SYLVIA copy copy

Mga Pagdiriwang

Malacañang, idineklarang regular holiday ang Abril 1

Bidang-bida ang dating niya sa The Greatest Love. Pinag-usapan at pinuri ang kanyang mapuwersang pagganap bilang Gloria na may Alzheimer’s disease. Dahil sa buong husay na pagganap, nangongolekta si Sylvia ng best actress trophies sa iba’t ibang award-giving bodies.

Sa bagong teleseryeng Hanggang Saan ay papel uli ng isang ina ang ginagampanan ni Sylvia. Aksidente siyang nakapatay sa pagsisikap na mailigtas ang buhay ng kanyang anak.

First time din nilang magsasama sa serye ng kanyang anak na si Arjo bilang mag-ina.

“Hindi ko inaasahang masusundan agad ng isang matinding project tulad ng Hanggang Saan ang The Greatest Love. I am truly blessed. Sa totoo lang sa edad kong ito ay hindi ko na hinangad ang maging bida. Happy na ako doing supporting roles basta maganda. Salamat sa ABS CBN sa kanilang tiwala sa aking kakayahan at sa suportang ipinadadama nila.”

Nananalig si Sylvia na ang karakter ni Sonya na ginagampanan niya ngayon sa Hanggang Saan ay tatatak muli sa puso ng maraming manonood, lalo na ng mga ina na walang hinahangad kundi ang kaligayahan ng kanilang anak.

Nagsimula nang mapanoo ang Hanggang Saan nitong November 27 sa Kapamilya Gold.