Ni NITZ MIRALLES

UMALIS ng bansa si Maine Mendoza last Friday, magbabakasyon daw sa Amerika at hindi pa alam kung kailan babalik.

Siguro naman nagpaalam siya sa TAPE, Inc., na magbabakasyon muna para palipasin ang init ng sitwasyon na kabilang sa nag-trigger ang inilabas niyang open letter for the AlDub fans.

MAINE AT ALDEN copy copy

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Dahil sa paglipad ni Maine papuntang Amerika, lalong lumakas ang espekulasyon na suspended siya sa Eat Bulaga dahil pa rin sa open letter. Hindi lang ito makumpirma dahil walang nagsasalita sa Dabarkads. Ang tsika, sinabihan ang Dabarkads na walang magsasalita sa kanila sa isyu ni Maine, ng open letter, at ng tungkol sa suspension.

On the other hand, tuloy ang pagre-report ni Alden sa Eat Bulaga.

May natisod din kaming information na ang dahilan pala ng AlDub Nation sa muling pagpapakita ng puwersa sa Broadway Centrum lalo na nitong nakaraang Sabado ay para ipaglaban at manawagan sa TAPE Inc. na huwag buwagin ang AlDub.

Kung sa unang rally ng fans ay naka-white sila, ang nabasa namin, ang suot nila last Saturday (advance kami nagpasa ng item kaya hindi pa namin nakita) ay kulay yellow at black.

Samantala, kung si Maine ay posibleng sa Amerika mag-Pasko, si Alden at ang kanyang pamilya ay sa Japan naman. Aalis sila sa December 17 or 19 at sa Dec. 27 na ang balik.

“Excited kaming lahat dahil first out of the country trip ito ng buo naming pamilya. May itinerary na kami, sa Tokyo kami magtatagal,” sabi ni Alden sa isang interview.

Napapanood si Alden sa episode ng Dear Uge kahapon, si Maine naman ay mapapanood sa Daig Kayo ng Lola Ko, her last TV appearance habang nagmumuni-muni pa siya.